Andito ako
Sa may telepono
Naghihintay pakapit
Na ika'y makapiling
Ang pagmamahal ko
At ang buong puso
Naghihintay nang kapit
Sa tanging marikit
Hanggang kailan ba ang walang hanggan?
Hanggang dun sana tayo'y magliligawan
Hanggang saan ba ang kalangitan?
Hanggang dun sana ang ating pagmamahalan
Tatlong bentesinko
Ipan-tatawag ko
Liit ng ligaya
Sandali lang makausap ka
Ang tanging nais ko
Ang mag-isang puso
Sa aking pagninilay
Hawak-kamay sana habang buhay
Hanggang kailan ba ang walang hanggan?
Hanggang dun sana tayo'y magliligawan
Hanggang saan ba ang kalangitan?
Hanggang dun sana ang ating pagmamahalan
(Was "Kasama Ka" from 1997; recreated September 3, 2024.)
No comments:
Post a Comment