Monday, October 20, 2025

Isa Lang

Handog sa’tin ng Diyos Maykapal
Para sa atin, kanyang mahal
Di na dapat mag-expekto
Ng kung anu-anong regalo

Mas masama pa kung minsan
Sarili natin ang bibigyan
Nasaan ang pasko doon
Sino ba talaga ang ‘yong poon

Isa lang
ang dahilan
Ng maligayang
kapaskuhan

Pasko kamo, Kristiyano
Kung makasamba sa politiko
Bastos, at mamamatay-tao
Magnanakaw, bumili boto

Todo pa ding ipaglalaban
Kawawa naman kaban ng bayan
Sa kanyang kapwa walang awa
Puro insulto wala nang sawa

Isa lang
ang dahilan
Ng maligayang
kapaskuhan

Isa lang
ang dahilan
Ng maligayang
kapaskuhan


No comments:

Post a Comment